P133-M jackpot sa Grand Lotto di pa nasasapol

WALA pa ring nanalo sa multi-million jackpot na umaabot na sa mahigit P133 million sa 6/55 Grand Lotto.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakakuha ng lucky number combinations na 31-17-11-18-22-44.

Ang katumbas na premyo ng winning numbers ay P133,355,008.80.

Maging ang 6/45 Megalotto ay wala ring masuwerteng nakakuha ng jackpot prize na P4,500,000.00.

Ang six digit numbers ay 03-31-21-34-24 at 43.

Ang Grand Lotto draw ay isinasagawa sa PCSO office, Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City, tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi.

Matatandaang isang barangay tanod ang nanalo ng Grand Lotto jackpot noong Hunyo na nagkakahalaga ng mahigit P356.5 million.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply