P16.9-B badyet ng DENR OK na

APRUBADO na sa Senate committee on finance ang P16.9-bilyon badyet ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng finance committee, pasado na sa antas ng komite ang badyet ng ahensya para sa taong 2012.

Ang badyet ng ahensya ay tumaas ng 38 porsiyento kung ikukumpara sa badyet ngayong 2011 na P12.2 bilyon.

Isusumite ng DENR ang ilang re-allignments sa komite upang madetermina ang mga prayoridad na proyekto.

“The total budget will be submitted for approval by the committee on finance to the plenary,” sabi ni Drilon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply