P18-B corn program ni GMA paiimbestigahan

HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang P18 bilyong “Ginintuang Masaganang Ani (GMA)” corn program ng Arroyo administration na nagresulta ng malaking pagkalugi sa sektor ng agrikultura.

Nakasaad ito sa House Resolution 1417 ni Rep. Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis) na humihiling sa   House Committee on Agriculture and Food na ipatawag ang dating opisyales ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng nakaraang administrasyon upang  bigyang linaw ang nasabing  isyu.

Tinukoy ni  Mariano ang  Commission on Audit (COA) report na si dating Presidente Gloria Arroyo ang nag-utos sa pag-release ng P18.25 bilyong pondo para sa “GMA for Corn Program” mula taong 2002 hanggang 2009 sa ilalim ng Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA) at noong 2010 naman sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Mariano na ang dating  Presidente ang nag-utos ng alokasyon ng pondo para sa nasabing programa na may  lump sum budget na mahirap i-monitor  na maaring  dahilan ng korapsyon.

Ayon kay  Mariano, ang corn program ay nilalayong maging moderno  ang  agribusiness systems ng mga corn  farmers  sa pamamagitan ng pagtatag ng Corn-based Agribusiness System Technology (COAST) na siyang magbibigay ng puhunan sa mga pribadong sektor sa pamamagitan ng joint venture  sa mga magsasaka ng isang kooperatiba.

Lumitaw sa 2007 Commission on Audit (COA) report na ang GMA Corn Program ay nagdulot ng pagkasira ng government resources.

Sinabi ni Mariano na ang  Regional Field Units (RFUs) ng DA  ay inaamin din ang pagiging palpak ang  GMA Corn Program mula 2007 hanggang 2008.

Ang mga buto ng  mais na umaabot sa  1,074 bags na nagkakahalaga ng   P1.124 million ay inimbak lamang  sa  lugar na infected ng  weevils at ang mga binigyan naman na magsasaka ay hindi rin kuwalipikado. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply