P1B pinsala sa palay, mais sa Region 2– DA

NASA P1-bilyon na ang halaga ng napinsalang produktong palay at mais sa Region 2 batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA) sa nasabing rehiyon.

Sa isang panayam sa radyo sa Cauayan City, Isabela, sinabi ni Val Perdido, Agriculture-Region 2 regional technical director, walang ganap na nasirang palay at mais ngunit malawak umano ang iniwang pinsala ng bagyong Mina na magreresulta sa pagbaba ng produksyon sa nasabing rehiyon.

Umabot sa 30,654 ektarya ng maisan ang naapektuhan na kinabibilangan ng napinsalang 18,000 ektarya sa Cagayan at 12,000 ektarya sa Isabela.

May 17 porsiyento naman ang napinsala sa kabuuang nataniman ng mais at palay sa Isabela at Cagayan habang pumapalo sa 30,000 metrikong tonelada na nagkakahalaga P340-milyon ang pananim na mawawala.

Halos 27,000 ektarya ang palayang sinira ng nabanggit na kalamidad na kinabibilangan ng 23,000 ektarya sa Cagayan; 3,000 ektarya sa Isabela; at 350 ektarya sa Nueva Vizcaya.

Mawawala raw ang 10.8 porsiyento o katumbas ng 36,000 metrikong tonelada ng inaasahang maaaning nakatayong pananim sa tatlong lalawigan, na may halagang P600 milyon, dahil sa bagyo.

Naniniwala ang DA-Region 2 na tataas pa ang halaga ng napinsala sa oras na makarating na sa kanilang tanggapan ang lahat ng ulat hinggil sa sinira ng bagyo sa sektor ng agrikultura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply