P1M reward ipinatong sa killer ng film critics

NAGLAAN ng P1 milyon pabuya ang pamilya at mga kabigan ng pinaslang na Filipino-Canadian film critic Alexis Tioseco at kalive-in nito na Slovenian freelance film journalist Nika Bohinc sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga killer.

Ito ang napag-alaman sa isinagawang news briefing sa National Bureau of Investigation (NBI) para umapela ang  writer na si  Gang Badoy sa publiko na tulungan sila para makilala ang apat na suspek sa likod ng pagpaslang sa dalawa.

Nabatid na sa apat na suspek, si Criselda Gesman Dayag na nagsisilbi bilang isa sa mga katulong ng mag-live in ang nakilala.

“Alexis and Nika were barely thirty years old when they were killed so suddenly and senselessly. They were well-respected film critics and journalists dedicated to their families and friends and always served what was right and good,” ayon kay Badoy.

Nagpahayag din ng kanyang pagkadismaya si Nathan Tioseco, pinsan ni Alexis, sa naganap na pagpaslang sa magka-live in.

“We sought the assistance of the NBI because nothing has happened in our case when it was being handled by the Quezon City police,” ayon kay Nathan.

Nabatid na ang pamilya at mga kaibigan ng dalawa ay nag-ambagan para makalikom ng reward money para mahanap ang mga suspek.

Sa panig ng NBI, sinabi ni Atty. Romeo Asis ng NBI-Death Investigation Division (NBI-DID), na maaring tumawag sa kanilang tanggapan sa numero 526-3747 o kaya ay sa kanilang mobile phone number 0947-7211901 o 0905-3758861  para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Dayag.

Matatandaan na noong Setyembre 1, 2009 ay binaril sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City ng tatlong armadong kalalakihan sina Tioseco at Bohnic.

Isang Magdalena Patpat, na isa sa mga katulong ng biktima, ang nagsabi na umano’y pinayagan ni Dayag na makapasok sa loob ng bahay ng mga biktima sa Times Street, Barangay West Triangle ang mga salarin.

Sinabi pa ni Patpat na tinalian siya, maging ang kanyang bibig ng mga suspek, bago nilimas ang mahahalagang gamit sa bahay ng mag-live in at isa sa gunman ang bumaril sa mga biktima.

Ang driver umano ng mga biktima na si Noel Lopez ang nagreport sa barangay kaugnay sa nangyari matapos nitong makarinig ng putok dakong alas-11:00 ng gabi.

Kasamang tumakas ng mga suspek si Dayag gamit ang kulay puting Ford Lynx na may plate number CPW-329 na narekober ng pulsiya sa may kahabaan ng West Avenue, Quezon City dakong alas-4:00 ng madaling araw. Rene Crisostomo

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply