P2-M sibuyas na idineklarang juice kinumpiska

KINUMPISKA ng Bureau of Customs ang dalawang container na naglalaman ng P2 milyon halaga ng sibuyas na galing China makaraang ideklarang “juice” ang mga ito para makaiwas sa mas mataas na babayarang buwis.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, lumabag ang 888 BIZ Inter Trade Corporation sa pamamagitan ng bise presidente nito na si Antonio Reyes at customs broker na si Jefferson Fernandez, sa maling deklarasyon ng kargamento at pag-aangkat ng walang balidong permit mula sa Bureau of Plant.

Sa ulat ni Port of Manila District Collector Rogel Gatchalian, ang mga kontrabando na nakapaloob sa dalawang 40-foot containers ay dumating sa Maynila noong Agosto 4 sakay ng MV Montecillo.

Sa pagsusuri na isinagawa ni Gatchalian sa iligal na kargamento ay natuklasan na hindi mga juice ang laman nito kundi 5,600 bag ng sibuyas.

Nais umano ng importer na samantalahin ang mababang 1% duty sa mga imported na juice kaya ito ang idineklara kaysa sa sibuyas na may 40%  duty at permiso sa Bureau of Plant.

Inaprubahan na umano ni Alvarez ang rekomendasyon ni Gatchalian na isuspinde ang accreditation ng importer at broker ng kargamento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply