P2M substandard LPG nakumpiska ng NBI

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit sa 1,000 Liquefied Petroleum Gas (LPG) tanks na nagkakahalaga ng P2 milyon sa isinagawang pagsalakay ng naturang ahensya.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Marino Dela Cruz ng Manila RTC Branch 22, nahuli ng NBI-IPRD ang mga pekeng LPG cylinders na tinatakan pa ng “Shellane,” “Gasul” at “Fiesta” mula sa 24 na mga nagtitinda na mga retailers at negosyante na may puwesto sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, Del Monte Avenue, Banlat Road sa Tandang Sora, Sampaloc, Manila, San Andres at Malate, Malibay sa Pasay City, Marikina City, Molino sa Bacoor, Cavite, Gen. Trias at Silang sa Cavite.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang NBI sa umano’y ibinebentang mga LPG sa mga lugar kung saan posibleng pagmulan ito ng malaking trahedya.

Ayon sa NBI-IPRD delikado anya ang mga LPG tanks na ginagamit dahil maaring sumingaw o pumutok ang LPG sa loob ng substandard at pekeng basyo, na maari ding kulang pa sa tamang timbang.

Nakatakda namang sampahan ang mga may-ari ng mga establisyimento ng paglabag ng Sec.155 at 170  ng RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply