P300M pekeng produkto narekober sa raid

NAREKOBER ng Bureau of Customs-Intellectual Property Investigation Division at mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang may P300 milyon halaga ng mga piniratang bag at kasuotan sa isang raid na isinagawa sa isang bodega sa Juan Luna, Binondo, Maynila.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, malaking dagok sa mga importer ang pagkakatuklas sa nabanggit na bodega at malaking kagalakan naman sa mga nagnenegosyo ng matuwid ang naganap na raid. Hindi umano titigil ang ahensya upang hindi na maging kapaki-pakinabang ang pagpupuslit ng mga katulad na kontrabando .

Ang mga produktong nakumpiska tulad ng mga ginayang mga damit na LaCoste na nabibili sa mga mall sa halagang P10,000 ay pumapalo ang presyo sa mga pekeng produkto sa halagang P1,500 hanggang P2,000 lamang.

Sa impormasyong nakalap ng NBI ay napag-alaman na ang mga kikitain sa mga pekeng damit ay mapupunta sa pagsuporta sa mga gawaing terorismo sa bansa.

Hindi naman inilabas ang pangalan ng importer ng mga pekeng kontrabando habang iniimbestigahan pa ang mga koneksiyon nito sa Aduana. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply