P35M smuggled na sibuyas na ang nasabat ng Customs

MASAYA ngayon ang mga lokal na magsasaka ng nga sibuyas makaraang maharang ng Bureau of Customs ang ika-pitong shipment sa loob ng nakaraang apat na buwan na tinatayang aabot sa halagang P2.8 milyon.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, aabot na sa P35 milyon ang pinagsama-samang lugi ng mga ismagler ng sibuyas mula China na dumarating sa bansa ng walang kaukulang import clearance mula sa Bureau of Plant Industry.

Sinabi ni Port of Manila District Collector Rogel Gatchalian na ang ilgal na kargamento ng 50,000 kilos ng sibuyas na nakalagay sa dalawang 40-foot container vans na dumating noong Agosto 3 ay nakapangalan sa Airfreight Alliance Inc.

Ayon naman sa pinuno ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na si Bienvenido Rubio na  nakatalaga sa Port of Manila, idineklara ang mga sibuyas na mga juice at pickles kaya’t di na dumaan sa mga phyto-sanitary certificates at quarantine clearances.

Dudurugin umano ang mga sibuyas sa lalong madaling panahon sa harap ng mga lokal na magsasaka ng mga sibuyas. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply