P5B pondo ilalaan sa ARMM simula Oktubre

ILALAAN ng pamahalaan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang P5 bilyon simula sa buwan ng Oktubre.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, P5 billion ang kanilang ilalabas para sa development projects sa ARMM matapos maisingkaw ang mga officers-in-charge (OIC).

Ayon kay Deles, natukoy na ng Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga lugar na nangangailangan ng mga kalsada, public schools, ospital at malinis na tubig.

Si Pangulong Benigno Aquino III ay inaasahang magtatalaga ng mga OIC sa ARMM sa Setyembre 30.

Kaugnay nito maglalabas ng executive order si Pangulong Benigno Aquino III para buhayin ang rebel integration program ng gobyerno.

Magugunitang na suspendido ang nasabing programa dahil sa alegasyong katiwalian sa pagkakagamit ng pondo.

Sinabi ni Deles, maaaring ilabas ang executive order sa loob ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Deles, posibleng mabawasan ang cash na ibinibigay sa mga rebeldeng susuko kasama ng kanilang mga armas.

Nakasaad sa Social Intergration Program (SIP) noong Arroyo administration, ang bawat rebeldeng susuko at magsasauli ng isang M16 o M14 rifle ay bibigyan ng P50,000. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply