P5-M cocaine nasamsam sa Cavite

TINATAYANG isang kilong cocaine na may street value na P5 million ang nasamsam sa isinagawang magkahiwalay na raid sa Tanza at Dasmariñas, Cavite kagabi, Agosto 24.

Nabatid kay Police Supt. John Bulalacao, provincial director ng Cavite Police, sa isang ulat sa radio na resulta ito ng tatlong araw na surveillance kung kaya nakumpiska ang malaking halaga ng cocaine.

Nabatid na nahuli sa Tanza, Cavite ang isang Alex Mingoy na may dalang 250 grams na cocaine at matapos ang inisyal na interview ay ikinanta nito na may kasama pa siya sa Dasmariñas kaya’t nasabat pa ang karagdagang 750 na gramo.

Arestado naman ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Arnold Toledo at Bobby Yape bunsod sa nasamsam sa kanilang droga na nanggaling pa umano sa Samar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply