P600-M piniratang relo nakumpiska ng NBI

TINATAYANG mahigit sa P600-milyon halaga ng piniratang signature watches ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa dalawang shopping mall sa Binondo, Maynila, iniulat ngayon, Biyernes.

Sinalakay ng NBI ang Snapen Trading, B&S Fashion and Accessories at Anluba General Merchandise sa loob ng 999 Shopping Mall sa Soler Street, Binondo, Manila at nakumpiska ang mga pekeng Chanel, Omega at Bulgari na relo noong Miyerkules (Agosto 10).

Kabilang sa ni-raid ng NBI ang stalls ng Veranda Queen Silver,R.C Buenavista General Merchandise, R.R Fetalco Gen. Merchandise at Reviro General Merchandise na pawang matatagpuan sa 168 Mall sa kahabaan ng Sta. Elena St.,sa Binondo,Maynila.

Sa ulat kay NBI Director Magtanggol Gatdula, sinabi ni Rommel Vallejo, hepe ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD), ang isinagawang pagsalakay sa nabanggit na mga establisimyento ay bunsod na rin ng reklamo ng Selective Trademark Union in the Philippines.

Nagsagawa ng survellaince ang grupo ni Vallejo at nagkaroon ng test buy kung saan nakumpirma ang mga nasabing establisimyento ay nagbebenta ng mga piniratang relo.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Antonio Eugenio ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24, sinalakay ang mga nabanggit na stall at nasamsam ang may 3,402 piraso ng pekeng “signature watches” na umaabot sa halagang P606,902,000.

Ayon kay Vallejo, nahaharap ang mga may-ari at opereytor ng ng mga stalls sa kasong paglabag sa Section 155 in relation to Section 170 of republic Act 8293 of the Intellectual Property Code of the Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply