Pa-sweet dati na artista nagsyo-show na lang sa Japan

NAKAAAWA naman itong dating pa sweet na artista na naging sexy star. In fairness, sumikat siya sa paghuhubad na talaga namang lahat ng mga kalalakihan ay humanga sa kanyang alindog. Pero sabi nga nila, sa showbiz may katapusan ang career mo kapag pagpapaseksi sa pelikula lang ang talent mo. Sa ngayon, nasa Japan kuno ang sexy star na bansot na ito. Ayon sa press release nagsyo-show siya roon sa mga night club. Totoo naman at kumpirmado pero sa mga cheap bars lang sa Japan kung saan ang mga customer ay ‘yung mga basurerong mga hapon. Hehehehehe!.

Ayon pa sa atin spy, maraming utang ito na kailangan bayaran kung kaya’t napilitang mag-Japan ang byuti nito.

 

NANINIWALA si Donna Villa na mas madaling pagkakitaan ang pelikula kumpara sa telebisyon. “Sa pelikula may Jackpot,” ani ni Donna. “Di tulad sa telebisyon limitado lamang ang puwedeng ipasok na load ng commercial.” Sa taong ito, magkasama sina Donna, Vic del Rosario at Carlo Caparas para sa 50 pelikulang gagawin nila. Kaya naman natuwa ang mga taga-industriya sa pagsasama nila dahil marami silang matutulungan mga taga-industriya na walang hanapbuhay. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga press people last week sa ginawang presscon ni Donna. Good karma kasi ang producer na ito ang talagang very supportive sa lahat ng mga press people kaya naman pinagpapala silang mag-asawa.

Ang mga obra ni Direk Caparas ay patok na patok. Ang “Bakekang” lamang sa GMA 7 ay tumabo sa telebisyon.

Ang Bangis” namang nasa TV5 ay isa rin sa mga nobela ni Direk Caparas. Ang lahat ng istasyon ay nagtitiwala kina Donna at Direk Caparas dahil magaganda ang kanyang nobela at good karma ang mag-asawang ito sa showbiz.

&&&&&

Ang pamilyang Pinoy Henyo ang isa sa mga portions ng Eat Bulaga na nagbibigay ng mga impormasyon at kaalaman para mahasa ang isip natin. Araw-araw, mapapanood sa Eat Bulaga sa Siyete ang patok na portion nilang Juan For All, All for Juan, sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger Biscuit. Sa totoo, maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number one noontime show dahil katakut-takot na pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

&&&&&

“Show Up” ( Ang bagong game show ng bayan) ang bagong kaaabangan ng bayan. Magsisimula ito sa Setyembre 3 sa ganap na alas 9:00 hanggang alas 11:00 ng umaga. Ang mga hosts nito ay sina Boobay at Chabilita at mapanonood n’yo sa Cable Destiny channel 5. Ang mga bagong pasisikatin ng Show Up ay ang Starcade  members na sina Samantha, Randell, Elaver, Arvin, Karren, Jessica at Tristan, Keith na ipinakilala noong Linggo, Agosto 14, sa Isetan Recto Manila. Nagpakita sila ng kanya-kanyang talent sa entablado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply