‘Pabaon’ ni GMA pinasisiyasat sa Kamara

PINAIIMBESTIGAHAN ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa Kamara de Representantes ang “midnight pork” ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Ito ay kasunod ng pagkumpirma nu Pagcor Chairman Cristino Naguiat Jr. na umabot sa P400-milyon ang napuntang midnight pork kay Arroyo bago ito bumaba ng Palasyo.

Sa isang panayam kay Colmenares, sinabi nito na ang tinanggap na P400 milyon ay malinaw na nagsilbing pabaon ni dating Pagcor Chairman Efrain Genuino sa dating Pangulo.

Napag-alaman na ang salapi ay inilipat ng Pagcor sa Presidential Social Funds noong Mayo 24 at 28, 2011 kasabay ng umiiral na Election Ban at isang buwan bago bumaba sa pwesto si Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply