Pacman kinompirmang si Maria Aragon ang kakanta ng ‘Lupang Hinirang’

KINUMPIRMA na ni 8-division world champion Manny Pacquiao na ang Pinay mula Canada at YouTube sensation na si Maria Aragon ang kakanta ng “Lupang Hinirang” sa kanyang November fight kay Juan Manuel Marquez.

“Si Maria Aragon. Magaling yung bata,” nakangiting sambit ni Pacquiao.

Una rito, inihayag ng 11-anyos na si Aragon na  hindi niya inaasahang lulutang ang kanyang pangalan para mag-perform ng live sa event na dati ay sa telebisyon lamang nito pinapanood.

Ipinangako rin nito na sakaling siya na ang pinal na mapiling maging kinatawan ng bansa, wala itong babaguhin sa tempo ng kanyang rendisyon upang makaiwas sa mga batikos.

“I really wanna, just gonna keep it simple, especially since it’s my first really big performance, singing the national anthem. I really want to sing it the way that they wrote it, and the way that it’s meant to be. And also, just to make the Filipinos proud,” paniniyak ni Maria.

Si Aragon ay naging instant celebrity nang madiskobre ni Lady Gaga ang video nito sa YouTube na kinakanta ang “Born This Way” ng U.S. pop singer.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply