Pacquiao haharapin ni Mayweather

WALA na umanong choice si Floyd Mayweather Jr. kundi ang harapin si Manny Pacquiao.

Ayon sa mga sports analyst, mangyayari umano ito dahil ibinasura na ni Pacquiao ang defamation suit na isinampa niya laban kay Mayweather.

Ang layunin lamang umano ni Pacman, ayon sa ulat, ay mapagbigyan ang mga fans dahil ang kaso ang sinasabing nagiging balakid ng kanilang laban.

Sa ganitong paraan, kung aatras pa umano si Mayweather ay masasabi nang duwag ito dahil wala na itong maidadahilan.

Maaaring idahilan kasi umano nito ang kasong kinakaharap kaya hindi masagupa ang Pambansang Kamao.

Dagdag ng mga analyst, kung aatas pa umano o aayaw si Mayweather ay tiyak na panalo na si Pacquaio.

Ang pagbasura umano ng kaso, ayon sa mga kritiko, ay isang senyales na seryoso si Pacman na sagupain ang dating pound-for-pound king.

“Although I was falsely accused of using illegal drugs to advance my boxing career, and although these allegations were made without a scintilla of evidence or proof, I have decided that it is in the best interests of boxing fans everywhere for me to drop this serious lawsuit,” ang naunang pahayag ni Pacquiao.

Sabi ng Pambansang Kamao, kahit na inatras na niya ang kaso, hindi ito nangangahulugan na nandaya siya.

“So, through my promoter Bob Arum and my lawyers, I am dropping the lawsuit. I have not nor will I ever cheat in the sport I love, the sport that has made me a wealthy man. But not all disputes can be properly settled in a courtroom even in a respected federal court,” aniya.

Aniya pa, wala nang choice si Mayweather kundi ang harapin siya o mag-isip na lang ng maidadahilan para huwag siyang makaharap sa ibabaw ng ring.

“No more flimsy excuses. Mayweather’s choice now is simple, fight me or keep on running,” wika pa ng people’s champ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply