Pag-aari ng Napocor pinasisiyasat sa COA

APAT na kongresista ang nag-udyok sa Commission on Audit (COA) na suriin na ang mga ari-arian ng National Power Corporation o Napocor.

Nagpadala ng isang sulat sina Eastern Samar Rep. Ben Evardone, San Juan Rep. JV Ejercito, Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kay COA Chairperson Garce Pulido-Tan upang busisiin ang mga naibentang assets ng Napocor.

Ang hakbang ng mga mambabatas ay bunsod sa isiniwalat ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (Psalm) sa budget hearing sa Kamara na umaabot na sa $17 bilyon ang pagkakautang ng Napocor, gayung 98 porsiyento ng mga assets nito ay naisa-pribado na.

Inamin din ng Psalm na umuutang pa sila para ipambayad sa nasabing pagkakautang na siyang kinastigo ng mga kongresista.

“We would like to earnestly request the Commission on Audit to form a special audit team to specifically look into the proceeds of privatization of Napocor assets and for fear that some of those assets may have been sold on a fire sale,” banggit pa sa liham.

Sa ilalim ng Epira law, ang Psalm na ang magkokontrol at siya ring magdi-dispose sa mga generation assets, liabilities, real estate at iba pang resources ng Napocor.

Iginiit din nina Evardone, Ejercito, Benitez at Velasco sa COA na simulan na ang special audit upang magkaalaman na kung saan napunta ang napagbentahan ng privatization ng Napocor, o muli na namang naloko ang taumbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply