Pag-audit ng transhipment transactions iniutos ni Alvarez

IPINAG-UTOS ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang pag-audit ng mga transhipment transactions na dumadaan sa ahensya bunsod ng ‘di pa rin maipaliwanag na paglaho na parang bula ng 1,910 container vans mula Port of Manila patungong Port of Batangas.

Hindi umano dumaan sa proseso sa Maynila  ang mga nabanggit na kargamento dahil ang final point of destination ay sa Batangas, kung saan mabubusisi at papatawan ang mga ito ng buwis.

Subalit hindi na ito umabot sa Batangas at hinihinalang na-divert ang mga kargamento upang makaiwas sa buwis.

Balak din ng Bureau of Customs (BoC) na baguhin  ang proseso sa mga transhipment na kargamento upang matanggal ang pag-abuso ng nasabing sistema.

Ayon kay Alvarez, inaalam na ng legal services na sangay ng ahensya kung may ligal na basehan upang dumaan sa proseso, assessment at pagbabayad sa port of discharge ang mga transshipment na kargamento.

Karaniwan ay bumabagsak sa Maynila ang mga kargamento, subalit kung mapupunta sa lalawigan ang mga ito ay doon sila idadaan sa proseso at magbabayad ng kaukulang buwis at duties.

Ipinaliwanag ni Alvarez na ang ganitong sistema ay kalakaran sa lahat ng custom administration sa buong mundo, subalit mas nakikinabang dito ang mga importers at brokers kaysa sa pamahalaan.

Pinapayagan ang sistema ng Tariff and Customs Code ng Pilipinas at ito’y isang marketing strategy ng mga collection districts upang maakit ang mga importers at tumaas ang kanilang mga target collection sa kanilang mga distrito.

Ayon kay Alvarez, ang nangyaring nabanggit na insidente ay isang ehemplo kung paano naaabuso ang kasalukuyang sistema. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply