Pag-hands off nina de Lima at Brillantes sa poll fraud investigation, pinaburan ng arsobispo

APRUBADO ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang pag-‘hands off’ at hindi pakikialam nina Justice Secretary Leila de Lima at Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. sa isinasagawang joint investigation ng Department of Justice (DOJ) at ng Comelec sa 2004 at 2007 election fraud.

Sinabi ni Cruz na tama lang ang ginawa ng dalawang opisyal dahil kapwa kilala ang mga ito na malapit sa mga malalaking pulitiko.

Si de Lima aniya ay kilalang GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) figure habang si Brillantes ay kilala namang kontra-GMA.

Naniniwala rin si Cruz na may impluwensiya ang dalawang opisyal kapag kasama sa imbestigasyon at umaasa itong hindi makikialam ang dalawa sa gagawing imbestigasyon.

“Si Secretary de Lima is a GMA figure ano. Meaning to say, she was appointed o chosen for an office by the GMA administration. Kaya I think, it is fair na hindi siya sasama. Yun naman si Brillantes, it is also fair na hindi siya sasama sa imbestigasyon kasi he has been always kontra GMA,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Una nang inihayag nina de Lima at Brillantes na hindi sila makikialam sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa dayaan noong 2004 at 2007 elections upang hindi mapulaan at mahaluan ng pulitika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply