FG aarestuhin kapag inisnab ang PNP probe

IPAAARESTO ng Senate Blue Ribbon Committee si dating First Gentleman Mike Arroyo sakaling isnabin nito ang imbitasyon sa susunod na pagdinig hinggil sa bentahan ng lumang helicopter sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na maaaring ipaaresto ng Senado si Arroyo kapag patuloy nitong iisnabin ang imbitasyon ng Senado sa pamamagitan ng pagpapadala ng subpoena upang mapilitan siyang dumalo.

“Kung di siya appear sa Thursday siguradong may magmo-motion na i-subpoena siya sa susunod na pagdinig. At kung di siya darating pag nakatanggap ng subpoena siguradong may magmo-move na ipaaresto siya,” babala ni Lacson

Ayon sa senador, mas makabubuting sumipot ngayong Huwebes si G. Arroyo upang makompronta nito si Archibald Legaspi Po, ang presidente ng Lion Air Inc. na nagdiin sa kanya bilang may-ari ng dalawang 5-year old na helicopter na binenta sa PNP bilang mga bago noong 2009.

Ibinunyag din ni Lacson na may dalawang bagong testigong haharap sa komite bukas para patotohanan na ang dating First Gentleman ang nagmamay-ari ng dalawang helicopter na binenta sa PNP.

“Mas mainam kung a-attend siya sa Huwebes para i-deny niya diretso sa harap ng committee at sa harap ng nagsasabi na siya ang may-ari,”giit ni Lacson.

Sinabi naman ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng komite, na kung hindi sisipot si Arroyo dahil sa problemang pangkalusugan, ipapaberipika niya ito sa mga doktor ng Senado dahil baka niloloko lamang sila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply