Pag-isnab ni FG sa Senate hearing inasahan na ng M’cañang

TIKOM ang bibig ng Malakanyang kung kaduwagan o pagkatakot ang  tunay na rason sa hindi pagsulpot ng dating Unang Ginoo Atty. Mike Arroyo sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee kaugnay sa pre-owned helicopters na ipinagbili bilang brand new sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.

Para sa kanya, pinanghahawakan nila ang sinabi ni dating First Gentleman Atty. Mike na “medical reason” ang dahilan ng hindi niya pagsipot sa nasabing pagdinig.

“We don’t want to judge one way or the other,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Inaasahan na rin umano ng Palasyo na iisnabin ni FG ang imbitasyon sa kanya ng Senate blue ribbon committee para magbigay linaw sa mga alegasyon laban sa kanya.

Sa ulat, sinabi ni Atty. Inocencio Ferrer, abogado ng Unang Ginoo na pinayuhan ang kanyang kliyente ng team of medical specialists sa pangunguna ni Dr. Lorenzo Rommel Carino na huwag nang dumalo sa hearing dahil sa kanyang heart ailment.

Batay sa medical certificate na ipinalabas ng cardiologist na si Jose Nicholas Cruz at caridovascular surgeon ng St. Luke’s Medical Center na sumailalim sa ilang dissections ng aorta si Mr. Arroyo ilang taon na ang nakakaraan.

“The presence of another tear or dissection could precipitate rupture or sudden death,” ang nakasaad sa medical certificate na may petsang Agosto 10.

At kung nais aniya ng blue ribbon committee na iberipika ang medical condition ng dating Unang Ginoo ay sinabi nito na handa ang kanyang kliyente na magpasuri sa ibang ospital na may Senate-designated physician na may kasanayan sa kondisyong tinatawag na “dissecting aortic aneurysm.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply