‘Pag nanindigang di may-ari ng chopper, 2 helicopter pa ni FG ido-donate sa PNP

HANDANG ibigay ng Lion Air Inc. sa Philippine National Police (PNP) ang natitirang dalawang helicopters pa na sinasabing pag-aari ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon sa presidente ng Lion Air na si Archibald Po, handa niyang ibigay sa PNP ang dalawang choppers ni Ginoong Arroyo sakaling panindigan nito na hindi sa kanya .

Nabatid na sa testimonya ni Po, limang choppers ang umano’y binili ni Arroyo mula sa Robinsons Company sa US na ipinangalan lamang sa Lion Air Inc., kung saan ang dalawa ay naibenta sa PNP, ang isa ay bumagsak habang ang dalawa ay nananatili sa hangar ng Lion Air.

Dahil dito hinamon ni Sen. Jinggoy Estrada si Arroyo na gumawa ng undertaking na hindi niya pag-aari ang mga choppers upang maibigay ito sa PNP.

Para kay Po, kahit nitong hapon ay handa siyang i-turnover ang naturang mga choppers kung walang balakid.

Nabatid na una nang inihayag ni Arroyo nang dumating mula sa Hong Kong na hindi niya pag-aari ang mga lumang helicopters na nabili ng PNP sa presyong bago.

Kinasuhan pa nito ng perjury si Po dahil sa umano’y pagsisinungaling sa imbestigasyon ng Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply