Pag-uusap nina PNoy at MILF Murad, makasaysayan

ANG ginawang pakikipag-usap ni Pangulong Noynoy Aquino sa lider ng Moro Islamic Liberation Front kay Al Haj Murad Ibrahim ay makasaysayan dahil hangarin ng Pangulo na  ipakita ang sinseridad na mapabilis ang usaping pangkapayapaan nang sa gayon ay matupad ang matagal nang ninanais na kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ni Executive Sec. Paquito Ochoa na dalawang oras na nag-usap sa Tokyo, Japan sina PNoy at Murad noong Huwebes.

Naging maayos naman daw ang impormal na pulong ng Pangulo at pinuno ng MILF dahil nagpalitan daw sila ng kuro-kuro hinggil sa magiging balangkas ng patuloy na usapang pang-kapayapaan at maaring gawin ng magkabilang panig para  mamayani ang tunay na kapayapaan sa rehiyon, ayon kay Ochoa.

Idinagdag pa ni Ochoa na nagkasundo ang dalawang  panig na maipatupad ang anomang magiging kasunduan sa panahon ng administrasyong Aquino.

Naipakita ni PNoy sa kaharap na mga pinuno ng MILF ang katapatan ng pamahalaan sa negosasyon ukol sa kapayapaan na isa sa mga susi ng pag-unlad sa Mindanao, ani pa ni Ochoa.

Tiniyak ni Ochoa na walang anomang lihim na usapan o sinadyang ikubling kasunduan ang pinagtibay ng gobyerno ng Pilipinas at MILF sa naturang pulo.

Suma tutal, hindi gagawin ng gobyernong Aquino ang mga pagkakamali ng mga nakalipas na rehimen tungkol sa pagpapatupad ng kapayapaan sa Mindanao, gayundin sa pagbalangkas sa maselang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD).

Sa pakikipag-usap ni Ochoa  kay Marvic Leonen, punong negosyador ng gobyerno, tinalikuran na ng MILF ang pagsusulong ng kasarinlan at tanging kahilingan na lang nito ay kilalanin bilang Bangsamoro.

Pumutok ang isyung ito nang makipagkita si PNoy kay Murad.

Anomang reklamo o pu-na, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply