PAGASA naglabas ng flood warning sa NCR

NAGLABAS na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng flood alert sa Metro Manila dahil sa inaasahang matinding pagbuhos ng ulan na tatagal na ilan pang araw.

Ang flood alert ay naglalayong agad na mabigyan ng paunang babala ang mga nasa mabababang lugar at mga nasa tabi ng mga istrakturang maaaring bumagsak dahil sa paglambot ng lupa.

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, hepe ng PAGASA, ang babalang ito ay regular na ilalabas tuwing may abnormalidad ang mga pag-ulan o bagyo.

Inihayag din ni Yumul na hindi epekto ng bagyong “Kabayan” ang malakas na ulan.

Samantala, nagpapatuloy ang babala ng PAGASA ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa Central, Northern at Southern Luzon.

Ito ay dahil sa patuloy na mararanasang mga pag-ulan dulot ng epekto ng hanging habagat na pinag-iibayo nI Kabayan at low pressure area.

Huling natukoy nitong madaling araw ang bagyong Kabayan sa layong 1,120 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras malapit sa gitna habang may pabugsong hangin na umaabot ng 200 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa direksyon na hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Samantala, bagama’t humina y patuloy naman ang epekto ng low pressure area na huling  namataan sa layong 170 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Ang bahagi naman ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa maulap na kalangitan, lalo na sa dakong hapon at gabi. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply