Pagawaan ng bagoong nasunog: Kalahating milyon naabo sa Pangasinan

NAABO ang tinatayang halagang P500,000 makaraang masunog ang isang pagawaan ng bagoong sa Lingayen, Pangasinan.

Ayon sa mga rumespundeng bomber, tumagal sa 15 minuto ang nasunog na naturang pagawaan na pagmamay-ari ng isang Gemma Bernal, 46 , negosyante at residente ng Don Claucho St., Barangay Pangapisan North sa nasabing bayan.

Nabatid na wala namang ibang nadamay na kabahayan at nasaktan sa insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply