Pagbabawal sa plastic bags paiigtingin

PAIIGTINGIN ng pamahalaan ang pagbabawal sa paggamit ng mga non-biodegradable plastic bag na nagdudulot ng pagbabara sa mga estero na nagiging dahilan ng pagbaha

Ito ay kung maipapasa ang Senate Bill 2759 o Total Plastic Bag Ban Act of 2011 na inihain kamakailan ni Sen. Loren Legarda.

Ayon kay Legarda, kabilang sa mga dahilan ng ma­tinding pagbaha lalo na sa Metro Manila ang mga baradong estero at kanal dahil sa mga basurang plastic na hindi basta-basta natutunaw.

Lumabas din sa pag-aaral na isinagawa ng United States Environmental Protection Agency nasa 500 bilyon hanggang isang trilyong plastic bag ang nagagamit bawat taon.

Sa ulat naman ng World Wildlife Fund, umaabot sa 200 iba’t ibang marine species ang namamatay dahil sa “ingestion” at “choking” sanhi ng plastic bags.

Sakaling maisabatas na ito ay ipagbabawal na ang paggamit ng plastic bags sa mga supermarket, public market, restaurant, fast food chain, department store at iba pang kahalintulad na establisyemento.

Bukod sa plastic bag, ang dumadaming informal settlers ang isa sa dahilan kung bakit nagbabaha sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig-pook na nagiging dahilan din sa nabibinbing flood control project ng gobyerno.

Ayon kay Public Works Undersecretary Romeo Momo, hirap silang mapa-alis ang mga iskwater sa lugar na madadaanan ng proyekto.

Tiniyak naman ni Momo na matatapos na ang multi-milyong-pisong proyektong inilaan sa  bahagi ng Meycauayan sa Bulacan at sa Malabon at Navotas sa Metro Manila. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply