Pagbaha sa Mindanao muling nagbabanta

IBINABALA ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring magdala ng flashfoods at landslides sa Silangan Visayas at Silangan Mindanao ang namataang sama ng panahon sa bahagi ng Silangan Visayas kaninang umaga.

Ayon sa PAGASA, dakong 8:00 ng umaga kanina nang mamataan ang sama ng panahon (LPA) sa layong 570 kilometro ng Silangan Visayas at maaaring magdala ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Sinabi pa ng PAGASA na ang naturang sama ng panahon ay maaaring magdala ng pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa Central at Katimugang Luzon Visayas at Mindanao.

Habang maaari naman magdala ng flashflood at landslide sa silangan Visayas at silangan Mindanao kung magpapatuloy ang pag-ulan sa mga naturang lugar.

Sa sandaling maging bagyo ang namataang sama ng panahon, tatawagin itong bagyong Mina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply