Pagbebenta sa IBC-13 property ipinatitigil

IPINATITIGIL ng isang kongresistang kaalyado ng administrasyon ang pagbebenta ng gobyerno sa sinikwester na 4.1-ektaryang IBC-13 property sa Quezon City na naunang tinutulan ng Commission on Audit.

Ipinahayag ni Ang Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na nakatakda siyang maghain ng resolusyon para imbestigahan ang kasunduang pinasok ng pamunuan ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC) at RII Builders Inc/Primestate Ventures Inc. na isinapinal noong March 10, 2010.

Banggit pa ng mambabatas ang 2010 audit report ng Presidential Commission on Good Government PCGG)kung saan hiniling dito ng COA na humingi ng opinyong ligal sa Office of the Solicitor General upang mapahinto ang implementasyon ng JVA sa pamamagitan ng temporary restraining order sa isang civil courts.

“The COA recommendation was submitted to the PCGG last March.  We hope legal steps have already been taken to address the audit agency’s concern,” ani Herrera Dy.

Batay sa kasunduan, pinapayagan ng JVA ang RII Builders na magtayo ng kondominyom at i-develop ang 3.6 ektaryang Broadcast City na pag-aari ng IBC-13.

Bilang kapalit, makukuha ng IBC 13 ang P728 milyon mula sa RII Builders. Makakukuha rin ito ng dalawang palapag na gusali sa itatayo ng RII Builders.

Subalit naniniwala si Herrera-Dy na dahil kalapit ng property ang Ayala Heights at Capitol Hills ay maituturing aniyang “bargain” ang bentahang ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply