Pagbibitiw ni Laluces maluwag na tinanggap ni Roxas

MALUWAG sa pusong tinanggap ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Mar Roxas ang resignation ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Nelson Laluces.

Ayon kay Roxas, courtesy resignation lamang ang isinumite sa kanya ni Laluces kaya mananatili itong nasa pwesto habang wala silang nakukuhang kapalit.

Nagpapasalamat si Roxas sa ipinakitang graciousness ni Laluces at hinahangaan niya ang ugali at work ethic ng nagbitiw na LTFRB chairman.

Una rito, noong nakaraang linggo pa nagbigay abiso si Laluces kay Roxas ng kanyang resignation.

Kabilang sa matunog na pangalan na posibleng susunod na LTFRB chairman sina dating Camarines Sur representative Jaime Jacob at Gen. Robert “Bobby” Lastimoso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply