Pagbibitiw ni Lim masamang senyales

MASAMANG senyales ang biglang pagbibitiw ni Tourism Secretary Alberto Lim sa administrasyong Aquino.

Para kay AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones, hindi magandang indikasyon para sa taumbayan ang pagbibitiw ni Lim lalo pa ngayong taon ay may mga nauna na ring nagbitiw sa ilalim ng pamamahala ni PNoy.

Ani Palmones posibleng inaasahan na rin ni Lim na sisibakin siya sa pwesto kung kaya inunahan na niya ito ng pagbibitiw sa posisyon.

Laking panghihinayang naman ni Aurora Rep. Sonny Angara kay Lim dahil isang magaling na kalihim ito at may magagandang plano para sa turismo na nasira lamang dahil sa mga gulo sa loob ng gobyerno.

Naniniwala naman si Gabriela Rep. Luz Ilagan na posibleng naguguluhan na si Lim sa power struggle sa loob ng ahensya at maaaring naramdaman na niya na dapat na siyang umalis sa pwesto lalo pa’t isa siya sa diumano’y mga naunang tinukoy na nakasisira ng araw ng pangulo.

Umaasa naman si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na ang ipapalit kay Lim ay higit na magaling para sa ikauunlad at ikalalakas ng turismo sa bansa.

Si Lim ay nagbitiw sa kanyang pwesto dahil sa pagod na raw siya sa kakabiyahe sa iba’t ibang lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply