Pagbibitiw ni Zubiri nirerespeto ng Malakanyang

NIRERESPETO ng Malakanyang ang desisyon ni Senador Juan Miguel Zubiri na nagbitiw sa tungkulin matapos masangkot sa 2007 senatorial elections.

“We respect the decision of Mr. Zubiri to relinquish his post in the Senate. It represents a way forward to start healing the wounds of the past. We thank him

for the service he has given our countrymen. We call on Mr. Zubiri to further demonstrate his willingness to help restore the dignity of our electoral process. Any contribution he makes can be vital in restoring the people’s mandate and in giving the Filipinos the meaningful electoral reforms they rightfully deserve,” ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda.

Nauna rito, isang madamdaming  privileged speech sa plenaryo ng mataas na kapulungan ang pinakawalan ng senador kung saan ang kanyang naging desisyon na mag-resign ay para umano mailigtas ang Senado, bilang isang institusyon na makaladkad pa sa isyu ng dayaan.

Sa ulat, nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod na naglabasan ang mga testigo ng umano’y nangyaring pagmaniobra ng nakaraang Arroyo government para maipanalo ang ilang manok sa kontrobersiyal na senatorial race.

Kabilang sa mga kandidato noon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay si Zubiri, na mayroon lamang mahigit 21,000 na botong lamang para masungkit ang pang labindalawang puwesto sa eleksyon.

Ang nabanggit na panalo ni Zubiri ay kinuwestyon ng mahigpit na katunggali na si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Nakabinbin pa sa ngayon ang protesta ni Pimentel sa Senate Electoral Tribunal.

Pero sa kaniyang talumpati, iginiit ni Zubiri na malinis ang kanyang konsensiya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply