Pagdinig sa kaso ng Sulpicio Lines ipingpaliban

MULING ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong kriminal na isinampa laban sa pamunuan ng Sulpicio Lines ngayon, Martes.

Ang pagpapaliban ni RTC Branch 52 Judge Amor Reyes sa naturang pagdinig ay dahil sa walang magamit na court room bunsod ng ginagawang paglilinis at pagtatanggal ng mga dokumento sa korte na hindi na kinakailangan.

Itinakda ang pagdinig sa ika-23 ng Setyembre.

Isasalang sana kaninang umaga sa cross examination si Commodore Amado Romillo na siyang testigo sa pagpanik ng mga pamilya ng pasahero ng lumubog na MV Princess of the Stars.

Ilalatag umano sana ni Commodore Romillo ang isang tinatawag na nautical map upang ipaliwanag kung saan nakapuwesto noon ang nasabing barko nang ipalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang kanilang weather bulletin at nang ipalabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabawal o pagkansela muna sa paglalayag noong kasagsagan ng bagyong Frank bago ito lumubog na nagresulta sa pagkamatay ng maraming indibiduwal sa karagatang sakop ng Sibuyan Island sa Romblon.

Samantala, pinaniniwalaan namang nasa pusod pa rin ng Sibuyan Island sa Romblon ang mga kalansay ng mga nawawalang pasahero at tripulante ng lumubog na barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply