Pagdinig sa P1.8 trillion budget sisimulan na

SISIMULAN na ng Senado ang pagdinig kaugnay ng panukalang P1.8 trillion na national budget para sa 2012.

Ayon kay senador Franklin Drilon, chairman ng Senate Finance committee, target nilang maipasa ang naturang pondo bago matapos ang buwan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Binigyang-diin ni Drilon na kampante ang Senado na maipapasa ang pondo bago matapos ang taon dahil maaga rin itong isinumite ng Malacañang sa Kongreso.

Kung maaalala, pinagtibay din ng Kongreso ang P1.6 trillion na 2011 national budget bago pumasok ang buwan ng Enero nitong taon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply