Paggawa ng sirang lansangan, footbridge pangontra sa aksidente

INAASAHANG makakabawas na ng daloy ng trapiko at mga insidente sa pedestrian matapos magawa ang ilang footbridge at sirang kalsada sa lungsod ng Maynila.

Ang kahabaan ng Tuazon street mula sa Kagitingan patungong Mabuhay at ang  Masinop street na kapwa nasa District 1 sa Tondo ay kabilang sa mga inayos at ginawang kongkretong lansangan.

“Ang dapat pasalamatan ay ‘yung mga nakatira rito. Ang mga taga Tondo na nagbabayad ng buwis sa Lungsod ng Maynila.  Ang ginagastos dito ay pera ng taga Maynila kaya sila ang dapat pasalamatan,” ayon pa kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Maging ang konstruksiyon ng bagong footbridges sa Jose Abad Santos kanto ng CM Recto sa District II at  MICT-Parola sa District I ay nakumpleto na rin.

Libu-libong pedestrian ang inaasahang gagamit sa mga nabanggit na footbridge.

Ang mga naturang lugar ay karaniwang maraming tao at mga sasakyan na kadalasan ay nagiging sanhi ng mga insidente.

“Ang pakiusap naming kung maaari dagdagan pa ang mga footbridges dahil makatutulong at makakabawas sa traffic problem at masisiguro natin ang kaligtasan ng mga pedestrian,” sabi pa ng alkalde. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply