Paggunita sa kamatayan ni Ninoy madamdamin

KASABAY ng paggunita sa ika-28 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay sinimulan ang iba’t ibang aktibidad na inihanda ngayong araw.

Kabilang dito ang pag-aalay ng bulaklak sa ramp number 11 sa tarmac ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan mismo pinatay ang dating senador noong Agosto 21, 1983.

Dumalo sa wreath laying ceremony ang kapatid ni Ninoy na sina dating Senador Butch Aquino at Tessie Aquino-Oreta gayundin ang ilang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan, mga kinatawan ng iba’t ibang embahada sa bansa at mga miyembro ng August 21 Movement.

Inaabangan naman ang pag-lunsad sa isang libro na may titulong “Tula, Awit at Talumpati ni Ninoy” na naglalaman ng mga literary works ni Ninoy na isinalin sa 23 lenguwahe.

Maliban dito, isang wreath laying ceremony ang ginawa sa bantayog ni Ninoy sa Timog Avenue na pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at National Historical Commission Chairman Maria Serena Diokno.

Binigyang pugay din ang yumaong dating senador sa pamamagitan ng 21-gun salute ng SWAT Team ng Quezon City Police District (QCPD).

Maging sa Maynila ay inalala ang anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy kung saan nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa rebulto nina Ninoy at dating Pangulong Cory Aquino sa pangunguna ni Manila Mayor Alfredo Lim at iba pang opisyal ng lungsod.

samantala, naniniwala naman si Senador Joker Arroyo na hindi pa rin ganap na napaparusahan ang responsable sa pagpatay kay dating Senador Ninoy Aquino.

Ayon kay Arroyo, ang may kagagawan ng krimen ay inutusan lamang kaya’t ang tunay na mga mastermind ay hindi sapat ang naging parusa.

Binigyang diin pa ng Senador na 25 taon na ang nakalilipas ay wala na rin ang mga testigo.

Magugunitang, may Human Rights Compensation bill na isinulong na layong biglang laya ang mga  biktima ng Karapatang pantao subalit hindi pa ito naratipikahan kaya’t  ang kompensasyon na dapat na ibigay sa mga biktima ay hindi naipagkaloob.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply