Pagkain pinagkaguluhan: 7 patay sa Somalia

PITO ang nasawi nang barilin ng mga sundalo ang mga mamamayang nagkakagulo sa isinagawang aid distribution ng World Food Program bunsod ng taggutom sa Mogadishu, Somalia.

Nabatid na isinisisi ng mga tao sa mga sundalo ang pagsisimula ng kaguluhan dahil tinangka umanong nakawin ang 290 tonelada ng rasyon para sa mga biktima ng matinding gutom.

“They fired on us as if we were their enemy,” ayon sa refugee na si Abidyo Geddi. “When people started to take the food then the gunfire started and everyone was being shot. We cannot stay here much longer. We don’t get much food and the rare food they bring causes death and torture.”

Dahil dito, malaking problema ngayon ng United Nations kung paano maipaabot ang tulong sa Somalia dahil sa patuloy na pagharang ng mga militante.

Aminado rin ang UN at Amerika na hindi ligtas ang mga ipinapadalang tulong para sa mga nangangailangan dahil walang nagbabantay sa mga shipment ng UN aid.

“Will there be losses? Sure. Will there be some looting? Of course there will be. What we have to do is try to minimize it,” ani WFP spokesman David Orr. “This is the highest risk environment in the world … the safety of our staff and getting food into the right hands are our highest priorities.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply