Paglayas ni Gadhafi : Presyo ng gasolina bababa

NAKATAKDANG bumaba ang pandaigdigang presyo ng gasolina kung tuluyan na mapapalayas sa puwesto si Libyan Leader Moammar Gadhafi.

Ayon sa mga analysts, dahil sa kaguluhan sa Libya ay tumaas ang presyo ng gasolina ng $10 hanggang $20 ang kada bariles nito.

Napag-alaman na ang bansang Libya ay dating nag-e-export ng 1.5 milyong bariles ng langis kada araw sa mundo. Ang naturang bulto ng langis mula sa naturang bansa ay 2 porsiyento lamang sa kabuuang pangangailangan ng buong mundo.

Sa ngayon ay unti-unti nang nalulusaw ang puwersa ni Ghadafi. Sa katunayan ay sumuko na ang isang anak nito samantalang hinuli naman ang isa pa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply