Paglilikas sa mga Pinoy sa Libya ikinakasa na

PINAGHAHANDAAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation effort para sa overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa Libya.

Kaugnay nito, puspusan na ang ginagawang repatriation effort ng Embahada ng Pilipinas para mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa naturang bansa.

Sa kasalukuyan ay abala na ang DFA sa pagpalikas ng mahigit sa 1,700 OFWs matapos na pasukin ng mga rebelde ang Tripoli.

Ayon sa DFA, nakipag-ugnayan na si Undersecretary Rafael Seguis sa pamunuan ng ospital sa Libya na pinagtatrabahuhan ng mga Pinoy nurses upang kumbinsihin na makauwi ng Pilipinas.

Una nang nagmatigas ang nasabing mga Pinoy workers na pawing nagtatrabaho sa mga ospital dahil sa pangambang mawalan ng trabahong madadatnan sa Pilipinas kaya ayaw umuwi ng mga ito sa bansa.

Sa kabila nito, sisikapin ng gobyerno na pauwiin ang mga ito dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan lalo na ngayong napasok na ng mga Libyan rebels ang capital ng Libya kung saan maraming Pinoy ang nakabase. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply