Paglilinis ng mga estero sa MM sisimulan na

SISIMULAN na bukas ng Metopolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis ng mga estero, kanal, ilog at iba pang daluyan ng tubig sa Metro Manila na tatagal ng isang buwan katuwang ang daan-daang volunteers, barangay at mga residente.

Dalawang estero sa loob ng isang araw ang target na malinis ng MMDA sa tinaguriang “August Estero Blitz” na sisimulan ngayong umaga sa estero sa Estrada at Arellano St. sa San Andres Manila, dakong alas-5 ng umaga.

Matapos malinis ang naturang estero, tutungo naman ang MMDA sa Protacio Bridge sa boundry ng Pasay at Makati City upang linisin naman ang Tripa de Gallina creek na isa sa pinakamahabang ilog na nag-uugnay sa dalawang lungsod.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, lahat ng mga kinakailangang gamit sa paglilinis ng mga estero ay kanilang ipahihiram sa mga grupong tutulong upang madaling maisakatuparan ang proyekto .

Aminado si Tolentino na hindi kaya ng kapasidad ng drainage system ang lakas ng buhos ng ulan kaya kinakailangan nila ang tulong ng mamamayan, maging ng mga barangay at  informal setllers na nagtayo ng istraktura sa mga daluyan ng tubig upang maglinis ng tambak na basura sa estero.

Nilinaw niya na hindi kasama sa kanilang proyekto ang pagpapaalis sa mga istrakturang nakatayo na sa gilid ng mga estero at kanal dahil trabaho ito ng lokal na pamahalaan na may karapatan upang hanapan ng relokasyon ang squatters.

Naniniwala si Tolentino na kapag nakita ng mamamayan ang kanilang seryosong kampanya na linisin ang mga estero at daluyan ng tubig, magkukusa na ang karamihan sa kanila na makiisa sa paglilinis lalu na’t sasagutin nila ang mga kinakailangang kagamitan para maayos maisakatuparan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply