Pagpapakamatay ng DBP lawyer kaduda-duda

TINUTURING na “unusual circumstances” ni Development Bank of the Philippines (DBP) Chairman Jose Nuñez Jr. ang sinasabing pagpapakamatay ng isang DBP lawyer sa loob ng isang hotel sa Las Piñas kahapon.

Una rito, natagpuang nakabitin at wala nang buhay sa loob ng banyo ng isang hotel si Atty. Benjamin Pinpin.

Bagama’t pagpapakamatay ang inisyal na anggulong tinitingnan ng mga awtoridad, ipinahiwatig ni Nuñez na malaki ang papel ng biktima sa ginagawang imbestigasyon ngayon ng DBP kaugnay sa mga natuklasang mga maanomalyang transaksyon ng nakaraang administrasyon.

“The bank is in the midst of a crucial investigation concerning previous questionable transactions and Atty. Pinpin had an important role in the process. So we are hoping that his passing had nothing to do with that,” ayon sa opisyal na kalatas ng DBP chairman.

Ayon sa mga imbestigador, natagpuan umano ang bangkay ni Pinpin na nakabitin sa banyo gamit ang isang nylon cord.

Mayroon din umano itong iniwang “suicide note” kung saan inamin ng biktima na may pinapasan itong problema sa DBP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply