Pagpapalaya sa political prisoners iginiit

IGINIIT ng grupong Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) kay Pangulong Noynoy Aquino ang pagpapalaya sa lahat ng political prisoners sa bansa partikular ang mga tinaguriang Calamba 9 na patuloy na nakapiit sa  Misamis Occidental Provincial Reformatory Jail sa Oroquieta City.

Ayon sa Selda, apat na araw na ngayong nagsasagawa ng fasting ang mga miembro ng Calamba 9 at marapat lamang na sila ay palayain na ng gobyerno dahil pawang fabricated lamang umano ang isinampa sa kanilang kasong multiple murder, multiple frustrated murder at kasong damage to government property sa Calamba, Misamis Occidental court.

Binigyang diin ng Selda na masyado nang overdue ang pamamalagi sa kulungan ng political prisoners na wala namang kasalanan.

Umaabot sa 350  ang political prisoners nationwide at ilan sa mga ito ay may ilang taon nang namamalagi sa kulungan na ang iba ay may sakit partikular ang isang Antonio Roda na may matinding sakit sa bato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply