Pagpapatiwakal ng DBP lawyer pinabubusisi

PINABUBUSISI sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ng pagpapatiwakal ng isang abugado ng Development Bank of the Philippines (DBP) na kabilang sa naatasang magsiyasat sa mga transaksiyon ng bangko noong nakalipas na administrasyon.

Ito ay matapos na personal na dumulog ni Atty. Benilda Tejadag, chief legal counsel ng DBP, sa NBI kahapon, Biyernes, para magsumite ng mga dokumentong naiwan ni Atty. Benjamin Pinpin, na nagpakamatay noong Agosto 2, sa confort room ng isang hotel sa Las Piñas City.

Hiniling ng kampo ni Tejada na tulungan sila ng NBI sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Pinpin.

Ayon kay Tejada, nais nilang mabusis ng NBI ang police report at mga dokumentong natagpuan sa sasakyan ng biktima na kinabibilangan ng kopya ng suicide note, kopya ng security report kaugnay ng diumanoy pagpapatiwakal ni Pinpin sa isang hotel, at mga dokumento tungkol sa pakikipag-ugnayan ni Pinpin sa DBP management.

Sinabi ni Tejada, maaaring may dahilan sa likod nang pagpapakamatay ni Pinpin.

Si Pinpin ay kabilang sa isang grupong binuo upang imbestigahan ang mga naging transakyon ng DBP noong administrasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Bago ang pagpapakamatay ni Pinpin ay kasalukuyan umanong nag-iimbestiga ang grupo nito sa mga kwestiyunableng transaksiyon ng DBP noong nakaraang administrasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply