Pagpaslang kay Ninoy gugunitain sa Agosto 21

KULTURA ng mga Filipino ang mahulog ang loob sa underdog o yaong mga taong-api at sawing-palad.

Dala marahil ito ng ating kinagisnang pananampalatayang Katoliko na nagtuturo ng pagkalinga o pagsaklolo sa mga nangangailangan.

Magandang halimbawa rito ang ating mga halalan. Karaniwang nananalo ang mga underdog. Yaong mga inusig at minaliit ng mga katunggaling pulitiko.

Halimbawa rito ang naging Pang. Joseph Estrada at Sen. Lito Lapid, kapwa school dropout, na minata ang kakayahang maging halal na lingkod-bayan.

Maging sa industriya ng pinilakang-tabing ay patok sa takilya yaong mga artistang mula sa hirap na tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos o Juday, pawang tinaguriang superstars sa daigdig ng entertainment. Hindi sila mga mestisa gaya ng halos lahat ng actresses at actors sa kasalukuyan.

Gayundin, itinuturing na pinaka-underdog sa lahat ng mga underdog ang yumaong senador na si Benigno Aquino Jr., ama ni Pang.  Benigno S. Aquino III.

Ang lahat na yatang klase ng batikos ay naipukol na sa kanya ng Marcos-controlled media noong panahon ng martial law.

Siya ay ikinulong, binartolina at kinasuhan ng sari-saring paratang na walang basehang ligal.

Noong Agosto 21, 1983, ilang sandali matapos bumaba sa eroplano ng China Air Lines na naghatid sa kanya sa Pilipinas mula sa tatlong taong exile sa United States, si Ninoy ay pinatay sa pamamagitan ng baril sa tarmac ng Manila International Airport.  Also killed was Rolando Galman na ayon sa military ay kinontrata ng New People’s Army upang iligpit siya.

Ang balita ng pagpatay kay Ninoy ay gumimbal hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa buong daigdig.

Noong Agosto 31, 1983 ay mahigit sa tatlong milyong Filipino ang luminya sa magkabilang gilid ng kalsada at lumahok sa funeral procession, na itinuturing na pinakamahaba at pinakamatagal sa kasaysayan na umabot sa 11 oras.

Gugunitain ng bansa sa darating na Linggo, Agosto 21, ang ika-28 anibersaryo ng kanyang martyrdom.

Talo marahil ang bisa ng pagiging isang underdog, imbes na ipaubaya sa mga doktor ang paghahayag ng medical bulletin tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng naging Pang. Gloria Arroyo, ay mga pulitiko ang tumatayong taga-pagsalita sa kalusugan nito.

Gayunman, salu-salungat ang mga pahayag nila sa tila pagtatangkang ilarawan ang naging Pangulo na nasa bingit ng kamatayan upang gawing underdog si Mrs. Arroyo sa mga mata ng publiko.

Sa ikalilinaw ng tunay na kalagayan ng kalusugan ni Mrs. Arroyo hiningi ng mga kinauukulan na ipaubaya nalang sa doktor ni Mrs. Arroyo ang tungkuling magbalita ukol sa kanyang kalusugan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply