Pagpasok ng imported books sa bansa hihigpitan

HIHIGPITAN na ng Bureau of Customs (BoC) ang pagpasok ng imported books bansa partikular na ang mga hindi nagbabayad ng kaukulang buwis.

Nabatid sa Customs Memorandum Order 25-2011, hindi nabubuwisan ang mga ini-import na libro gaya ng educational, scientific at cultural materials.

Sinabi ni Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang hakbang ay upang magkaroon ng uniformity sa mga ini-import na libro sa bansa.

Pinayuhan din ni Alvarez ang mga importer na tiyakin muna na mayroong sertipiko mula sa United Nations Educationa, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang mga inaangkat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply