Pagpasok ni Pimentel inaayos na ng Senado

INAAYOS na ng liderato ng Senado ang posibleng pagpasok ni Atty. Aquilino “Koko” Pimentel sa ika-12 puwesto na iniwan ni nagbitiw na Sen. Juan Miguel Zubiri partikular ang ibibigay na komite sa bagong pasok.

Sa panayam matapos ang sesyon ngayong gabi, sinabi ni Enrile na makakakuha si Pimentel ng kaukulang komite, ngunit depende sa blokeng papanigan o sasaniban dahil hindi umiiral sa Senado ang partido kundi ang grupo-grupo.

“When he comes, we will know what group he will want to belong to, because we operate in the Senate not by parties anymore, because there is an amorphous situation in the Senate because you have Nacionalistas. You have Liberals. You have PDP Laban. We have PMP and independents,” paliwanag Enrile.

“So we have agreed when we assigned the Committees, when we reorganized the Senate for the 15th Congress, that we do it by blocks. So, he will have to decide to which block he wants to belong to and then we will try to attend to his Committee assignments.,” dagdag pa ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na kung pananatilhiin ni Pimentel ang kanyang partido, ang PDP-Laban, na walang koalisyon sa Partido ng Masang Pilpipino, magpapatwag siya ng panibagong caucus sa bagay na ito at pag-usapan ng miyembro sa kung anong komite ang ibibigay sa bagong pasok.

“It depends if Koko would want to join or maintain the PDP-Laban affiliation because Sen. Osmeña is a member of the PDP-Laban. Then there will be two of them,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply