Pagsabog sa Tacurong City iniimbestigahan na ng PNP

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police (PNP) ang mga kaugnayan sa naganap na pagsabog ng isang kotse sa Tacurong City na ikinamatay ng dalawang katao.

Inihayag ngayong umaga, AGosto 16, ni PNP Reg. 12 director Benjarde Mantele, na nagkaroon na sila ng case conference kagabi at bumuo na siya ng special investigation task group.

Una rito, ipinag-utos ng pamunuan ng PNP ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa Tacurong City.

Ayon kay PNP Spokesman Agrimero Cruz Jr., personal niyang pinatututukan kay Region 12 director C/Supt. Benjarde Mantele ang gagawing imbestigasyon.

Ipinag-utos na rin ni Cruz ang pagpapatupad ng checkpoint at pagpapalakas ng intelligence gathering sa nasabing lugar upang subaybayan ang posibleng suspek na gumawa ng pagpapasabog.

Kinondena rin ng PNP ang nasa likod ng pagsabog at tinawag na duwag ang may kagagawan nito dahil nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.

Una rito, naniniwala si Gov. Mangudadatu na siya ang target ng naturang pagsabog na nangyari habang dumadaan ang kanilang convoy papunta sa isang resort upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Tinitignan din ang kaugnayan sa pagbasura ng Department Of Justice (DOJ) sa reklamong murder na isinampa laban kay Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.

Ang pagbasura ay ng DOJ ay matapos magsumite si Natividad De Arce Kamendan, asawa ng biktimang si Tamano Kamendan ng motion to appeal o pag-atras ng apila na inihain sa gobernador.

Nabatid na kinasuhan si Mangudadatu ng murder dahil sa pagkamatay ni Kamendan sa Sharif Aguak, sa bayan ng Ampatuan.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang paggulong ng kaso laban sa mga bodyguards ni Mangudadatu.

Matatandang noong Nobyembre 23, 2009, hinarang at pinagbabaril din ang convoy ng pamilya Mangudadatu habang patungo sa  tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para maghain ng certificate of candidacy sa pagka-gobernador ni Toto Mangudadatu.

Limampu’t walo ang namatay sa tinaguriang Maguindanao Massacre, kung saan karamihan sa mga ito ay miyembro ng media. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply