Pagsasailalim kay Po sa WPP aprubado na

INAPRUBAHAN na ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagsailalim sa witness protection program ni Archibald Legaspi-Po, may-ari ng Lion Air Incorporated.

Ang pag-apruba ay ipinabatid ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, kasunod nang pagpapatuloy ng pagdinig sa helicopter anomaly sa Senado kanina.

Ayon kay Guingona, nangangahulugan na bibigyan ng proteksyon ng Senado si Po bilang testigo sa chopper scandal matapos patunayang si dating First Gentleman Atty. Mike Arroyo ang may-ari ng dalawang helicopter na ibinenta sa Philippine National Police sa presyong brand.

Sinabi ni Po, may matibay na ebidensiya siyang hawak na magpapatunay na si Arroyo ang tunay na may-ari ng dalawang segunda manong helicopter.

Sa kabila ng banta sa seguridad ay naging magaang para kay Po ang paglantad ng katotohanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply