Pagsibak sa Philippine envoy to Syria kinumpirma

INIUTOS na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affair (OUMWA) Executive Director Eric Endaya ang pagtutok sa ginagawang paglilikas sa mga Filipino workers sa bansang Syria.

Ito ay kasunod ng pagsibak ng DFA kay Philippine Ambassador to Damascus Wilfredo Cuyugan.

Bagama’t tumangging magbigay ng karagsdagang detalye hinggil sa recall order laban sa ambahador, inihayag ni DFA spokesman Raul Hernandez na mas malawak umano ang kaalaman ni Endaya sa pagpapatupad ng repatriation.

“Because we are on repatriation mode, Sec. Albert del Rosario has decided to replace Amb. Wilfredo Cuyugan with an operative and with an extensive experience in repatriation, Charge d’Affaires Ricardo Endaya,” ani Hernandez.

Una rito, mismong si Cuyugan na ang nagpahayag hinggil sa nakatakda nitong pagbabalik sa Pilipinas sa kalagitnaan ng buwan, pero tumanggi rin ang opisyal na magbigay ng karagdagang detalye sa usapin.

Pero batay sa mga lumabas na ulat, sinasabing pumalpak si Cuyugan sa ibinigay nitong assessment hinggil sa totoong kalagayan ng mga Pinoy sa Syria.

Samantala, matapos mabigyan ng exit visa ang may 108 na mga Filipino workers sa Syria, tinatrabaho na umano ngayon ng embahada ang plane tickets ng mga ito pabalik ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply