Pagsilang sa demokrasya

ANG demokrasya, di tulad ng pagkakaalam ng iba, ay bata pa.

Sa pagtatapos ng ika-18 siglo ay nagsimulang mabuwag ang monarkiya o paghahari-harian ng mga hari sa Europa.

Maaaring ibunton ng mga royalty sa French Revolution, na nagsimula noong 1789, ang sisi sa pagkaunsyami at pagkawasak ng sana’y masarap at makapangyarihan nilang buhay.

Ang French Revolution, na nagwakas noong 1799, ang “beginning of the end” ng monarkiya. Ito ang nagbunsod ng isang panibagong kalakaran sa pulitika hindi lang ng Europa kundi ng buong mundo rin.

Ayon sa pilosopong si Bertrand Russell, ang tunay na nagpasimuno ng pagbabagong ito at si Martin Luther, ang pamosong teologo na kumuwestiyon sa walang-hanggang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko, partikular ang Papa.

Dahil kay Martin Luther, marami ang nagising ang utak at nagsimulang kwestiyunin ang awtoridad ng Papa, Simbahan at mga hari.

Parang nasira ang kandado ng saradong utak ng mga taong nabubuhay noon sa Europa kaya’t pati ang katumpakan ng paniniwalang Katoliko ay kanilang kinuwestiyon.

Ito ang pagsisimula ng Protestantism.

Ang trend na sinimulan ni Martin Luther at ibang teologo ay gumulong pa ng ilang dekada hanggang umabot nga ng French Revolution, na isang kongkretong manipestasyon ng kawalan ng paniniwala sa kapangyarihan ng mga hari at reyna na diktahan ang bawat galaw ng lipunan at mga indibidwal.

Dati, ang sinomang hindi susunod sa hari o reyna ay maaaring pugutan ng ulo.

Noong French Revolution, ang ulo ng hari ng Pransya na si Louis XVI at ang kanyang sikat na asawa at reyna na si Marie Antoinette ang pinugot sa pamamagitan ng guillotine.

Ito ang nagbadya ng paglilipat sa kamay ng mga mamamayan o sibilyan ng kapangyarihan.

Yun nga lang, kahit mga mamamayan na ang dapat may kapangyarihan, sa iilan lang naiipon ito.

At inaabuso rin tulad ng ginawa ng mga royalty noong dating panahon.

Pero ibang usapan na ‘yan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply