Pagsipa ng piso sa dolyar sinasamantala ng Aquino gov’t

SINASAMANTALA ngayon ng Aquino administration ang paglakas ng piso kontra dolyar sa pagbabayad ng utang sa labas ng bansa.

Ani Budget Sec. Butch Abad na sa pamamagitan nito, nakakatipid ang gobyerno at pababa nang pababa ang alokasyong inilalaan sa pambayad utang.

Ayon kay Abad, sa 2011 national budget, 22 percent dito ay inilaan sa debt servicing pero sa 2012 nasa 19 percent na lamang sa P1.8 trillion proposed budget.

Ang debt servicing sa 2012 ay may pondong P356 billion, na sumusunod sa economic services at social projects na may P575 billion.

Hindi naman umano sayang ang alokasyon sa pambayad utang dahil nagamit naman ang pera sa mga mahahalagang proyekto.

Maliban sa paglakas ng piso, nakakatipid din umano ang gobyerno sa pagbabayad ng interest rates bunsod ng magkakasunod na credit rating upgrade at sa pinalawig na maturity ng mga utang.

“Ang ating dollar denominated debt pinagpapalit natin ng piso para we can take advantage of the strength of the peso,” ani Abad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply